Friday, February 22, 2019




"IKAW"


Bakit nga ba ang title nito ay ikaw. Ikaw kasi sana pag natapos mo tong basahin makilala mo si IKAW. Sino ba si IKAW? Edi IKAW. 

Minsan nahihirapan tayong kilalanin ang sarili natin. Nahihirapan tayong alamin ano nga ba ang gusto natin. Mas kilala mo pa ata si crush kaisa sa sarili mo. Malulungkot tayo dahil hindi tayo masaya (ang gulo diba?) Kasing gulo ng isip natin.


"Walk that door, don't be afraid,
There's light in there"...

Bakit ka nasa sitwasyon mo ngayon. Dahil ba dito ka masaya? O dahil dito ka kikita? Dahil ba ito ang gusto mo? O dahil ito ang gusto ng karamihan para sayo? Hindi ka sasaya kung hindi mo kikilalanin ang sarili mo. Kung hindi mo alam kung anong mag papasaya sayo o kaya naman alam mo pero ginagawa mo ba? Hindi? Kasi natatakot ka. Hindi kasi baka hindi mo kaya. Madalas ito kasi yung ding ding na hindi natin matibag. Minsan ito yung pintuan na hindi natin mabuksan. Nakukulong tayo sa puna at salita ng iba. Nakukulong tayo sa salitang "hanggang dito nalang ako", "natatakot ako", "baka hindi ko kaya". Edi hindi ka sasaya. Edi hindi ka magiging malaya. 

Isipin mo kaibigan. Kung susubukan mo ba may mawawala? Kung may puna ba ang isa ibig sabihin lahat na sila? Sa madaling salita wag sila ang isipin mo. Wag ka mag pakulong sa takot mo. Ngayon ang tanong ko sayo, ano ba ang gusto mo? Saan ka ba masaya? Gawin mo kaibigan. Dahil hindi mo mararamdaman ang saya hangga't hindi ka lumalabas sa mundo mo. IKAW ang kilalanin mo. IKAW ang isipin mo dahil IKAW lang ang makakapagpasayang tunay sa sarili mo.

No comments:

Post a Comment

4:100 People I meet "ANTOINETTE "TONI" LEVISTE (knowns/unknowns) An athlete, pinoy's pride, Ms. Toni Leviste is known for...