3:100 People I meet "Manong Taxi Driver" (knowns/unknowns)
Hindi ko alam kung bakit hindi ko naisip kunin yung number niya, pangalan niya or plate number niya on the time na kausap ko siya but this man's thoughts are inspiring. He is I think on his 40th year. Una sa lahat I wanted to thank him kasi above all taxi drivers siya lang ang tumigil sa akin at nag sakay kasi daw mukhang ang tagal ko na nag papara ng taxi kasi nasa gitna na daw ako ng kalsada pumapara. Well hindi siya nag kamali 😥.
Anyway, our convo goes like this. As per kuya, he was then working at MTC Branch 43 of Quezon City. His parents are also working there. His father is a sheriff and his mother as I remember is an office staff also at Hall of Justice of Quezon City and his grandfather is a judge. So bakit siya naging taxi driver? As I said, I am writing about people who caught my interest, and he did. Si kuya pinag palit yung pagiging office worker niya sa pagiging taxi driver kasi sabi niya kung hindi daw dahil dito malamang wala pa siyang sariling bahay at lupa. Imagine he now have 3 houses. Kumikita daw siya ng halos Three Thousand Pesos sa isang byahe and take note, nag baboundary pa siya. And here's what he said. "Kung mananatili kang empleyado kung ano lang kikitain mo yun lang yon, eh hindi naman ako tulad ng iba na tumatanggap ng under the table dahil may pinang hahawakan akong apelyido" (which is diko manlang natanong). Come to think of it tama nga naman. So on that statement naging interested na ako.
He added, "Kaya ko nagawa yon kasi sa pag tataxi ko ang inspirasyon ko pamilya ko. Mahal ko ang asawa ko at ang mga anak ko, so pag hindi ako nag tino sila ang kawawa eh sa ganito panaman na trabaho madaming temptation. Pag nag pa dala ka dika din aasenso. Uunahin ko ang bisyo sino ang kawawa edi pamilya ko." What he said is so inspiring and how he thinks caught my attention. Sabi ni kuya kung ang inspirasyon mo ay pamilya mo aasenso ka kasi mag sisikap ka (Diba sana all). Nag simula lang daw siya sa pa try try pag weekend kasi iniisip niya wala naman daw siyang gagawin and hindi siya makapaniwala sa kinita niya.
Why I wanted to make blog about him is because nakaka amaze yung way niya mag isip. Very straight yung road na tinatahak niya and he is unshakable. Hindi ko din naman sinasabing mag taxi na tayong lahat pero what I learned based on his story is wag tayong matakot na umalis sa comfort zone natin. Mag isip tayo at wag makuntento. Sabi nga ni kuya "may kanya kanya tayong panahon pero hindi ko sinasabing mag hintay ka lang syempre dapat samahan mo ng sipag at tiyaga."
Sa sobrang aliw ko sa pakikipag usap sa kanya hindi ko manlang natanong kahit palayaw niya pero a big tumbs up sayo kuya. You are an insparation. Lawakan natin ang mundo natin. Basta nasa tama ang daan makakarating tayo sa patutunguhan. 👍👏